Sa pagsakay sa saksakyan,
hindi mahalaga kung ikaw ay pasahero.
Ang mahalaga,
alam mo kung saan ka pupunta
at saan mo gusto pumunta.
Tara, byahe na!
Sa pagsakay sa saksakyan,
hindi mahalaga kung ikaw ay pasahero.
Ang mahalaga,
alam mo kung saan ka pupunta
at saan mo gusto pumunta.
Tara, byahe na!
Ayaw ko ng lumalakad sa marumi.
Gusto kong lumalakad sa malinis.
Mahilig akong maglakad.
Sa espasyong ito,
ako ay malaya.
Sa lugar na ito,
ako ay ako.
Sa mundong ito,
ako ay masaya.
Pumunta ako sa lugar ng aking kapanganakan.
Doon ako nag-aral.
Bumalik ako sa aking pinanggalingan.
Ang araw ay sumikat.
Nagbigay liwanag sa sanlibutan.
Sumibol ang mga halaman.
Nagbigay rikit mga bulakak,
ang paligid ay nagkaroon ng hardin.
Tao’y naging taimtim,
natutong mag-alaga ng paligid.
Ang lahat ay umayos.
*
Ang pasko ay araw-araw.
Bawat pag-ibig na isinisilang
sa bawat sandali ay pagsilang kay Kristo.
Ang betlehem ay nasa ating sinapupunan.
Sa munting sabsaban ang likha ay isinisilang.
Hayaan mo akong lumpiad
pagka’t ako’y may mga pakpak.
Hayaan mo akong humuni
pagka’t ito ang tinig ng aking lahi.
Hayaan mo akong umawit
pagka’t ako’y umiibig.
Ako ay nagkaroon ng maraming kamatayan sa buhay na ito.
At pinili ko ang mabuhay.
Ninais kong makilala ang kamatayan,
upang malaman lamang na ito rin ang buhay.