Tag Archives: Pag-ibig

Kaaya-aya

 

Tinanong ko ang aking ka-date kung paano niya mailalarawan ang aming tanghalian ng ika-3:00 ng hapon matapos ang isang mala-impyernong araw sa aming trabaho.  Ang sabi niya, ito ay “kaaya-aya.”

Hay, naibigan ko ito.

Mayroong eksaktong noodles na paborito ko sa lahat ng noodles na luto ng thai–“pad thai.”  Nagkataon na ang aking ka-date ay nanirahan sa Thailand ng apat na taon (kung hindi ako nagkakamali :).  Lagi akong kumakain ng noodles na kasama siya kamakailan lamang at lagi niya akong inilalabas para kumain ng noodles kapag mayroon kaming “sandali” (kung alam mo ang aking ibig sabihin).  Kami ay parehong may sapat na katandaan na (kung ano mang ibig sabihin noon) para umupo at kumain ng sabay habang nagkukuwentuhan at pinagmamasdan ang isa-t isang kumain at parehong gamitin ang isang kutsara sa pagkain ng buko ice cream.  Kamusta naman ito para sa kahulugan ng “may sapat na katandaan na”. 😉

Ay, hindi pa ako magaling sa pagkukuwento dahil ako ang tipong nilalasap at ninamnam ang bawat sandali habang ito ay nangyayari.  Ngunit maibabahagi ko lamang kung gaano ito “kaaya-aya” sa pamamagitan ng larawang ito.

Ang isa sa mga pinakamagagandang bagay sa lunch date na ito ay dapat kakain kami sa Oody’s, ang isa sa mga paborito kong restawran.  Kahit na hapon na hapon na at ang aking lalaking kasama ay malinaw na naglalaway na sa gutom sa loob nito, bago kami magparada ng sasakyan, tinanong ko siya kung maaari bang sa ibang restawran na lamang kami kumain dahil ayaw kong magsawa sa Oody’s dahil lagi na kami doon kumakain.  At dahil mahal niya ako (yun ang sabi niya), kahit na may kaunting dismaya, matapos kaming nagparada ng kotse at bumaba, naglakad-lakad kami ng maikli at nakakita kami ng mga restawran ng mga pagkaing hapon, at tinatanong niya ako kung gusto ko ba roon at lagi akong tumatanggi kung kaya’t naglakad-lakad pa kami ulit ng kaunti at buti! Nakita namin ang Simply Thai.  Ito ay parang Oody’s ngunit mas “high end” kaysa Oody’s. Siya ay naging matiyaga sa akin.

Tiningnan namin ang menu stand sa labas ng restawran.  Magaling, nakita ko ang Pad thai at tinanong ko ang waitress kung ito ay maanghang at sabi niya ay hindi gaano ngunit maaari naman naming lagyan ng mga maaanghang na pampalasa iyon ayon sa aming kagustuhan.  Tunay na magaling dahil gusto kong naglalaro ng mga maaanghang na pampalasa sa aking pagkain upang iayon sa kaya kong kainin na maaanghang na mga pagkain.

Ang pad thai na kung saan ang pansit ay naluto ng tama lamang at may presentasyon na kasiya-siya sa aking mga mata, nagulat ako na sa pansit nito, iba ang nakabalot na lambat na gawa sa itlog, ang lagda ng pagkaing ito.  Tiningnan ko ito mabuti at aking palagay ay ang bating itlog na lambat ay may halong tinunaw na keso kung kaya’t nagmukha talaga itong kawad (wire).  Ang pad thai na kadalasan kong kinakain sa Oody’s na naroon rin sa Greenbelt 3, Lungsod ng Makati, ang balot na itlog na lambat ay walang keso kung kaya’t ito ay malambot, hindi tulad ng narito sa Simply Thai, ang lambat na nakabalot ay mas matibay, makapal at parang tinunaw na nougat.  Ang restawran na Simply Thai ay nasa Greenbelt 5, Lungsod ng Makati, ang isa sa mga mararangyang lungsod sa Pilipinas. Hindi naman sa gusto ko ng mga mararangyang bagay, nagkataon lamang na gusto ko ng mga pagkain rito o kung saan mang may maaanghang na lutong pansit at iba pang pagkain sa Asya lalo na ng mga pagkaing Singaporean.

Maliban sa Pad Thai ay ang Chilli Squid O’s, ang aming paunang pagkain.  Ito ay parang Calamares, mga bilug bilog na hiniwang pusit na binalot sa harina at pampalasa, ngunit ang sawsawan ay katangi-tanging minasang talong at berdeng sili na may suka.  Ito ay tunay na napakasarap bilang paunang pagkain.  Matapos naming kainin ang ilang pusit, hiniwa ko ang pad thai gamit ang kutsilyo upang kumuha ng kaunti at nilagyan niya ako sa aking plato.  Ito ang isa sa mga pinakamasaya kapag kumakain kasama ang isang lalaki, gusto ko kapag nilalagyan nila ako ng pagkain sa aking plato.  Nararamdaman ko na ako ay espesyal syempre ngunit higit rito, nabibigyan ako nito ng pakiramdam na ako’y ligtas.  Gusto ko kapag sila ay nagaasal na maginoo.  Napapaganda nito ang mundo.

Ang lagay sa kanya, ako ay kaya niyang dalhin.  Ako ay sensitibo, masyadong mapili at talagang nakakainis kapag wala sa lagay.  Natutuwa ako na kaya niyang laging maging maginoo sa akin kahit na hindi ako…di ko alam ang termino, maaaring pagiging sensitibo.  Ngunit ang termino niya roon ay ako ay maselan.

Nang sinabihan ko siya kung maaaring ihain na ang panghimagas bago siya pumunta ng silid-pahingaan, sinigurado niya na ang aking kailangan ay bigyang pansin kaagad sa oras na iyon.  Hindi naman sa itinuturing niya ako bilang isang prinsesa, itinuturing niya ako ng may dignidad, may pagmamalaki at may sinseridad.  Nag-usap kami at nag-usap kami at nag-usap kami.. Nagpalitan kami ng maikling pag-uusapan, mga malalambing na hawak, yakap, sumasandal sa kanyang balikat, ang aking kamay na nakaakbay sa kanyang balikat  habang tinitignan ang kanyang mobile phone matapos kumuha ng mga larawan ng mga pagkain..

Ngayon alam ko na ang ibig niyang sabihin ng “kaaya-aya.”