*Tala: Wala pang pamagat ang kathang ito kung kaya’t sa ngayo’y ito muna ang aking tanda: I Katha o “Fiction Part I”.
Kapag umusbong ang isang nangungusap ng pilosopiya, makikilala kaya ito na ito’y bahagi ng kanyang kalikasan? Pagka’t siya ay may malayang kaisipan na binubuo ng kanyang diwa’t pagmamahal. Hindi ba’t may ilang makata na di mawari ang pag-ibig na kanyang ibinabahagi sa kanyang mga tula ngunit sa pagtatagpo lamang ng isip at puso nauunawaan ang kahulugan.
Hindi ko akalain na matatagpuan ko ang ganitong lugar. Ang dimensyon kung saan ika’y makalilikha ng mundong gusto mong kalagyan. Sino ang makapagsasabing may kapangyarihan kang lumikha?
*Ito ay aking inspirasyong nahango sa mga aklat na sulat ni Neil Gaiman. Hindi ko siya nabasa, pahapyaw lamang ngunit nabigyan ako nito ng ganitong ideya sa pagsusulat ng maaaring patunguhan ng aking kwentong katha kung ito ma’y magtuloy sa isang mahabang kwento.