Tag Archives: Inspiration

Ang Pinakamagandang Food Court

Filipino

Dahil mahilig akong kumain ng mga maliliit na serving ng pagkain, lagi akong kumakain sa mga food court.  Gustung-gusto ko bumibili sa mga food booth na partikular lamang ang tinitindang pagkain o inumin.  Tulad ng sa inumin, ang paborito ko ay calamansi at buko.  Hangga’t maaari ay mayroon nito sa aking kakainan at kung wala naman ay dalandan, four seasons o lemongrass.

Sa lahat ng food court sa mall na nakainan ko sa Pilipinas, ang food court sa Landmark Trinoma (sa hilagang bahagi ng EDSA, Quezon City) ang pinakamaganda, pinakamalinis at pinakamahusay ang serbisyo at sistema.

Ito ang lugar na kung saan ang pakiramdam ko ay para akong nasa Singapore. Halos pareho ang itsura ng istruktura.  Ang mga upuan ay tama ang mga espasyo sa isa’t isa.  Hindi lapit-lapit na pakiramdam mo ay napakasikip at kailangan mo lagi makipagsiksikan.  Sa aking pagpunta sa Singapore, natutunan ko kung gaano pahalagahan ng mamamayan nito ang espasyo para sa isang tao.  Laging may palugit upang di magkadikit ang taong magkakatabi. Ito ay para sa akin simbolo ng kanilang respeto sa lugar ng bawat isa.

Namangha ako sa ganitong pilosopiya ng mga Singaporean.  Na ang bawat isa ay nasa lugar at dapat may espesipikong lugar.  Ang upuan na para sa isang tao ay nararapat na para lamang sa isang tao.

Pagdating naman sa kalinisan, mas lalo naman ako namangha.  Naging kultura na nila ang mapanatiling malinis ang kapaligiran.  May mga basurahan sa kapaligiran na sistematikong nakalagay sa lahat ng pampublikong daraanan ng mga tao.

At kahit na naging bukas sila sa iba’t ibang dayuhan, hindi nila kinalimutan ang unahin ang kanilang pambansang kaugalian: ang panatilihing ligtas ang mga mamamayan mula sa sakit, dumi at krimen.

Kung kaya’t ang kanilang batas ay istriktong ipinatutupad sa lahat.  Bawal ang manigarilyo sa lugar na hindi pinahihintulutang manigarilyo.  Bawal ang dumura sa kalye na para sa akin ay nararapat lamang naman na magbigay galang sa mga pampublikong lugar kung saan ang lahat ay makikinabang sa linis, ganda at kaayusan ng paligid.

Isang taon na ang nakalipas nang ako ay nakapunta roon.  Kahit na hindi ako nakakuha ng trabaho doon ay na-appreciate ko ang kanilang hospitalidad sa mga dayuhang tulad ko.  Naramdaman kong ako’y ligtas din tulad ng mga mamamayan nila roon at mga permamnenteng naninirahan na roon.

Natuwa ako na doon ko lamang naranasan sa unang pagkakataon na makapag-shorts na pakiramdam mo ay ligtas ka.  Dahil natural lang doon ang naka-shorts at di ka tititigan.  Mayroon silang “manners.”  Di ko alam kung manners yun ngunit hindi sila yung tipong parang noon lamang nakakita ng legs.  Wala silang pakialam.

Yun ang isa sa mga nagpasaya sa akin doon.  Maliban doon ay napakasarap mag-commute.  Napakaalwan.  Gustung-gusto ko sumasakay sa kanilang bus at tren-ang kanilang MRT at LRT.  Nainggit ako sa sistema ng kanilang lipunan.  Napakaayos.  Gusto ko ang pamamalakad ng kanilang pamahalaan sa pagpapatupad ng kanilang mga polisiya at batas.  Kung tutuusin, sila ay hindi konserbatibo o sobrang istrikto.  Para sa akin, ito ay balanse.

Pagkat ang kanilang lupain ay di tulad ng sa Pilipinas na agrikultural kung saan makapagtatanim ka ng palayan at iba pang mga pagkaing pananim, nakagawa pa rin sila ng mainam na paraan upang maipamalas ang kanilang paggalang sa kalikasan at di sila magutom kahit na wala silang taniman.

Naipamalas nila iyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga hardin at parke sa bawat malalaking munisipalidad ng kanilang bansa.  kahit na ang kanilang mga pagkain ay puro imported mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, nagagawa pa rin nilang maging katamtaman ang presyo ng mga pagkain upang maging risonable sa mga mamamayan nito.

Ang isa pang ikinatutuwa ko roon  ng ay ang makitang ang mga bata ay nagco-commute ng sila lamang sakay ng pampublikong bus.  Sa wari ko’y mga siyam na taong gulang pataas.  Kung sa atin ay nasa antas pa lamang ng elementarya pataas gang high school at kolehiyo.  Yung tipong para lamang nasa school bus ang lahat ng pasahero.  Ganun ang kanilang sistema ng transportasyon.  Tatlo lamang naman ang kanilang pampublikong sasakyang panglupa–bus, taxi, at sa pamamagitan ng tren (rail) na  MRT (Mass Rapid Transit) at LRT (Light Rail Transit).

Sa kanilang pampublikong transportasyon, wala akong masasabi.  Hanep sa ayos.

Sa bus at sa LRT, mayroon silang prepaid card na ginagamit at ang tawag nila rito ay EZ-Link.  Ito ay parang ATM card na itinatapat sa EZ-Link card reader machine sa mga bus at tren pagsakay at pagbaba upang maibawas sa load nito at malaman kung magkano pa ang natitirang load sa card.  Mayroon ding parang ATM Machine sa mga istasyon ng tren na kung saan doon ka magloload ng halaga sa iyong EZ-Link para ipambayad sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyang ito.

Kung wala namang EZ-Link ang sasakay, maaari rin namang cash ang gamitin.  Sa bus, walang kundoktor.  Ang tagapagmaneho (driver) ng bus ay tagapagmaneho lamang.  Wala siyang ibang gagawin kundi magmaneho lamang sa mga nakaatas na lugar ng sakayan at babaan ayon sa ruta ng kanyang byahe.  Ang bawat bus ay may numerong nakaatas bilang tanda kung anong ruta ang dadaanan ng byahe nito.

At ang mga pasahero ay alam ang limitasyon kung hindi na sila dapat sumakay dahil puno na.  Sila ang tipong di nakikipagsiksikan, kailangan ay laging may natitirang espasyo na kagagalawan ng bawat isa at di magdidikit ang mga katawan.  Ganito sila kadisiplinado pagdating sa kinalalagyan ng bawat isa.  Tulad na lamang sa kanilang MRT at LRT, ang mga upuan dito ay pang-isa isang tao.  Hindi maaaring umupo at sumiksik sa gitna nito kahit pa kasya kahit man lang ang isang bata.  Ang isang upuan ay para lamang sa isang tao.  At nakatutuwa na kasama sa kultura nila na awtomatikong tumatayo ang mga nakaupo sa upuan madalas sa may sign na pangmatanda o pang-buntis at pang-may kasamang bata kapag may nakita silang nakatayo na doon nararapat umupo.

Dahil sa foodcourt na ito, bumabalik ang magagandang alaala ng aking karanasan sa paglalakbay sa Singapore.  Dito ko lamang naramdaman ang tunay na pakiramdam na ikaw ay ligtas.  Yung kahit iwanan mo ang iyong bag sa mesa ng kainan o sa upuan ay walang kukuha nito.  Minsan nagagawa ko yun dito sa Pilipinas ngunit laging babalik ang aking isip sa pag-aalala na baka nga ito mawala.  Sa ilang beses ko namang nagawa ito, hindi naman nawala ang aking gamit.  Siguro’y sa aking pananabik na magkaroon ng ganoong lipunan dito sa Pilipinas.

Trinoma Landmark Food Court

*Ito ay para sa aking Lolo na yumao na.  Malalim siyang magsalita sa wikang Tagalog pagkat siya ay taga-Mindoro Oriental.  Siya ay laging nagtatalumpati noon sa mga pagtitipon ng aming pamilya at angkan.

 

English

Because I like eating small servings of food, I always eat in food courts.  I really like buying from food stalls that has only a particular food or drinks they sell.  Just like in drinks, my favorite is calamansi and buko.  As much as possible, these are available in the place I’ll dine in and if those two are not available, hopefully, there’s dalandan, four seasons or lemongrass.

Of all the food courts in malls that I’ve been to here in the Philippines, the food court at Landmark Trinoma (in North part of EDSA, Quezon City) is the most beautiful, most neat and has the best service and system for public dining in a shopping mall.

This is one place where it feels like I’m in Singapore.  It almost looks the same in structure.  The chairs have enough space from each other.  It’s not too close to each other that you feel like it is too crowded or you still need to squeeze yourself in.  When I went to Singapore, I learned how its citizens value the space of each individual.  There’s always somewhat a borderline so that their bodies will not be in contact.  For me, this is a sign of their respect for the space of each person.

I was amazed at this kind of philosophy of Singaporeans.  That each has its own space and must have a specific place.  The chair for one person is due for one alone.

On the other hand, when it comes to cleanliness, I was more surprised.  It has become their culture to keep their surroundings clean.  There are trash bins around that are systematically placed in all public places where people pass by.

And even if they are open to foreigners, they didn’t forget to prioritize their nation’s practice: to keep its citizens safe from sickness, dirt and crime.

That is why their laws are strictly implemented to all.  No smoking in non-designated smoking areas.  No spitting on the streets that, in my opinion, it is just right to give respect for public places where all would benefit in its cleanliness, beauty and orderliness.

One year has passed when I went there.  Despite not being able to get a job, I appreciated their hospitality to foreigners like me.  I’ve felt I’m also safe like its citizens and those who are already permanent residents there.

I’m glad because it is there that I first experienced to wear shorts that I felt “safe” since it is natural there that people wear shorts and they won’t stare.  They have “manners.”  I don’t know if it is manners but they are not the type who as if it’s the first time they’ve seen “legs.”  They don’t care.

That is one of the things that made me happy there.  Aside from that, it is so pleasant to commute.  Very convenient.  I especially like riding in their bus and trains—their MRT and LRT.  I am jealous of the system of their society.  Very orderly.  I like how their government runs and implements their policies and laws.  In fact, they are neither conservative nor too strict.  For me, it is balanced.

Because their land is not like in the Philippines wherein it is agricultural—meaning it can be planted with rice and other food crops, they were still able to find efficient ways to show their respect for nature and to have food security even if they don’t have any farm lands.

They have demonstrated these ways by creating community gardens and parks in every major local area in the country.  Even though their food are almost all imported from many different countries in the world, they can still manage to make their food prices reasonable for the citizens.

Another thing that made me happy there is to see the kids commuting on their own riding the public buses.  It seems like they are about 9 years old and up.  If it is in the Philippines, they are in the higher elementary level up to high school and college.  It seems like all passengers are just riding in a school bus.  This is their transportation system.  They only have three public land transportation vehicles—bus, taxi and through rail, which are the MRT (Mass Rapid Transit) and LRT (Light Rail Transit).

In their public transportation, I can say no more.  It is very orderly.

In the bus and rail transits, they have a prepaid card that they use, which they call EZ-Link.  It’s like ATM card that you put over the EZ-Link card reader machine when you ride the bus and trains to debit the fare from your card and to see how much load is left.  There are also ticketing machine in train stations where you can load for your EZ-Link to pay for the rides in the public transport vehicles.

In case a passenger has no EZ-Link, cash can also be used.  In the bus, there is no ticketing crew.  The bus driver is just a driver.  He will do nothing but only drive to designated areas where people can ride or alight according to the bus’s route.  Each bus has a number assigned to it as a sign of the route it will take in its journey.

And the passengers know the limitation if they cannot ride anymore because the bus is already full.  They are the type who do not hustle or push themselves inside just to be a part of the ride even if they are in a rush.  For them, there must always be a space where one can move around and their bodies will not be in contact.  This is how disciplined they are when it comes to the space of each one.  Just like in the trains, the seats there are designed as one seat for one person.  One cannot sit in between even if there is still space for even just a child.  One seat is strictly for one person only.  And it is so pleasing to see that part of their culture is to stand up automatically, which I witnessed many times, to offer the seat intended for the elderly, pregnant, and those with children when one happens to sit there and saw someone who needed to sit down.

Because of this food court, my happy memories of my journey to Singapore flashed back.  This is the only place where I truly felt that I am safe.  The experience that even if you leave your bag unattended on a table in hawkers or chair, nobody will take it.  Sometimes I even get to do that here in the Philippines but it will always come back to my mind that it might get lost.  For a number of times I did this, thankfully, I didn’t lose my things.  Maybe because of my longing to have that kind of society here in the Philippines.

*This is for my grandfather who already passed away.  He is very fluent in Tagalog language for he was from Mindoro Oriental.  He always give a speech whenever we have a family gathering.

Advertisement

Ang mga Magasin

Isa lang ang sulo ng mga magasin para sa akin–ang liwanag ng buhay nito—“passion.”  Ano nga ba sa Pilipino ang “passion”?  Iba ito sa pangarap o “dream” ngunit malapit ito sa isa’t isa.  Ang “passion” ay parang iyong kaluluwa.  Isang bagay na di nakikita sa iyong pagkatao ngunit naipahihiwatig sa pamamagitan ng biswal na sining.

Sa ngayon, tila may gustong ipahiwatig ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng sining—wari’y sa pagsusulat—sa sariling wika.  Ang aking kinahihiligan noon nang ako ay nasa kolehiyo pa lamang ay bumili ng mga libro at mga magasin na kadalasa’y patungkol sa disenyo, kalikasan, paghahardin, espirituwal na mga artikulo, sining, tula, pilosopiya at arkitektura.  Napansin ko na ngayon ay bumabalik ang temang ito sa aking buhay.  Ang pumunta sa bilihan ng mga aklat na “2nd hand” o gamit na ngunit nasa maganda pang kondisyon na mga babasahin mula sa iba’t ibang lugar sa mundo.  Ang tawag sa bilihan ng mga aklat na iyon na madalas kong bisitahin ay “booksale.”

Maliit lamang ang bilihan na ito ng mga aklat na “2nd hand.”  Kadalasan ito ay nasa pinakamababang palapag ng mga “mall” o malaking pamilihan ng mga gamit at damit sa mga siyudad sa Pilipinas.  Maraming intelektwal, mga alagad ng sining at mga estudyante ang pumupunta rito upang makabili at makakita ng mga lumang aklat ngunit de kalidad ang kontento at nasa maayos pang kondisyon.  Napakaswerte mo kapag makakita ka ng “vintage.” Ito ay isang Halleluiah!

Ito ang alternatibong aklatan na maaaring puntahan ng mga estudyanyte ng buhay at sining dito sa Pilipinas.  Dito ko nakilala ang mga magasin na nailalathala sa iba’t ibang bansa tulad ng Espanya, Italya, Pransya, Latin Amerika at iba pang lugar sa Estados Unidos.  Karamihan sa mga aklat at magasin ay galling sa Amerika ngunit nagiging “excited” ako kapag nakakakita ako ng mga de kalidad na babasahin na lathala sa ibang wika.

Dito sa Pilipinas, napakaraming wika ang maaaring matutunan dahilan sa mahuhusay na paaralan na naitatag rito upang magbigay ng mga kurso sa partikular na mga wika tulad ng wikang Espanyol sa Instituto Cervantes in Manila, wikang Aleman sa Goethe Institut Manila na kung saan ako ay nakapag-aral hanggang sa ika-apat na lebel para sa mga nagsisimula pa lamang, wikang Pranses sa Alliance Francaise de Manille at iba pang mga wika na naituturo sa mga pangunahing Unibersidad sa Pilipinas.

Sa Unibersidad ng Pilipinas na kung saan ang inyong lingkod ay nakapagtapos, kami ay sinanay na maging magaling magsalita at magsulat sa sariling wika tulad ng iba pang Unibersidad sa buong mundo na itinatag ng sariling estado na siyang nagsanay sa mga mag-aaral nito na maging matatas sa kanilang sariling wika.  Ito ang kalayaan na para sa akin ay malaking pamana sa aming mga nagtapos rito.  Sa makabago at napaka-modernong sistema ng pamamalakad ng ekonomiya na ayon sa Kanluran at pandaigdigang kalakaran sa wikang Ingles, napakahirap para sa marami-raming kabataan ang maging matatas sa pagsasalita, pagsusulat at pag-unawa sa wikang pambansa.

Sa aking pagbubulay-bulay, walang bansa ang umunlad ang ekonomiya at yumaman ang tradisyon at kaugalian ng hindi ginamit ang sariling wika sa kanilang batas at edukasyon, sa loob at labas ng paaralan.  Ito ang instrumento ng pag-unlad at pagyabong ng tradisyon at kaugalian ng isang lupon ng mamamayan.  Kung kaya’t ang mga babasahin sa pang-araw araw tulad ng dyaryo at magasin na nasusulat sa sariling wika ay isang mahusay at epektibong pamamaraan ng pagtataguyod ng pag-unlad sa ekonomiya at pagtatatag ng sariling teknolohiya sa bansa. 

Napansin ko sa mga magasin na aking mga nabili sa “booksale,” ay hanga ako sa kanilang dedikasyon sa kanilang “hilig.”  Kung ito ay sining sa Amerika, ang lahat ng gamit para rito ay gawa sa Amerika at ang pagkakasulat ng artikulo ay ayon sa kanilang sariling wika.  Kung ito ay tungkol sa moda ng arkitektura sa Italya, ang lahat halos ng gamit  ay galling sa Italya at ang gamit na wika sa artikulo ay wikang Italyano.  At kung ito naman ay patungkol sa isang adhikain sa Amerika, ang lahat ay tungkol sa pagbabago sa Amerika patungo sa adhikaing ito.

Sa maikling salita, ito ay may dedikasyon sa isang bagay na ibig nilang gawin na naka-angkla sa lugar at wika roon.

 

English

Magazines

There’s only one torch in all of the magazines for me—the light of its life—“passion.”  What is “passion” in Filipino?  It’s not the same as “dream” but they are definitely closely related.  Passion is like your soul.  One thing that cannot be seen in your appearance but can be expressed through visual art.

At present, there seems to be something that my soul wants to express through art—as if in writing—in our own national language.  When I was in College, I used to buy books and magazines then about designs, nature, gardening, spiritual articles, art, poems, philosophy and architecture.  I have observed that this theme in my life is coming back.  One where I go to this bookstore selling 2nd hand books and magazines that are still in good condition from all over the world.  This bookstore that I used to visit frequently is called “Booksale.”

It is just a small bookstore of 2nd hand books.  Most of the time, it is located at the ground floor of malls or big markets of things and clothes in the cities of the Philippines.  There are many intellectuals, artists and students who frequent this place to scavenge for 2nd hand quality reading materials which has good content and are still in good condition.  Lucky you if you find vintage. It’s Eureka!

This is the alternative library that can be frequented by students of life and art here in the Philippines.  Here is where I get acquainted to magazines published in other countries like Spain, Italy, France, Latin America and other places in the United States.  Most of the books and magazines were from America but I get excited when I find quality books and magazines published in other languages.

Here in the Philippines, there are so many languages that one can learn because of excellent schools established here that specialize in courses for a particular language like Spanish in Instituto Cervantes in Manila, German in Goethe Institut Manila where I was able to study till the 4th level of the beginners course, French in Alliance Francaise de Manille and other language courses offered in leading Universities in the Philippines.

In University of the Philippines, where yours truly graduated, we are trained to be well versed in our own national language, in both oral and written form, just like in other State Universities in the world where students are trained to be well-versed in their own national language.  This is the freedom that for me is one great heritage that the University bestowed upon us who graduated there.  In this contemporary times and very modern system of economy aligned with the West and world trade in the English language, it is very hard for a number of youth to be fluent in speaking, writing and understanding our own national language.

In my contemplation, there is no country, which has achieved progress in their economy and has made rich their traditions and culture without using their own national language in their laws and education, inside and outside of school.  This is the instrument for the advancement of economy and enrichment of the traditions and culture of a citizenry.   That is why daily reading materials such as the newspapers and magazines written in the country’s own national language is the most effective way to build progress in economy and establish its own technology in the country.

I have observed in the magazines I bought in Booksale, I admire its dedication to their “passion.”  If it is an art in America, all materials for this craft were from America and the language used for the articles is in its own language.  If it is about the architectural trends in Italy, most of the materials for this art are from Italy and the language used for the articles is in the Italian language.  And if it is about an advocacy in America, all of it is about the changes in America towards this advocacy.

In short, it has dedication on something they like to do tied down to the place of origin and its own language.

 

 

Inspirasyon

Saan nga ba nagsisimula ang inspirasyon?  Ilang saglit, ang naisip ko bigla ay pag-ibig.  Mayroon kang iniibig.  Mapa-tao, bagay, lugar, pangyayari o kung ano man na nasimulan mong maibigan.

Sa ngayon masasabi kong may tatlong bagay na nagbibigay inspirasyon sa akin: 1. pagpunta sa Singapore, 2. pagbili ng mga sariwang prutas at gulay, at 3. pagbili ng mga kalidad na organikong produkto na mula at gawa sa Pilipinas na siyang pangaraw-araw na ginagamit sa bahay tulad ng shampoo, conditioner, sabong panligo at sabong panlaba.

Sa mga oras na ito, ako ay naglalaba sa washing machine habang isinusulat ito.  May gana pa kong magsulat habang naglalaba.  At naisip ko din na walang taong nagbibigay inspirasyon sa akin sa ngayon.  Bakit kaya?

Siguro dahil may kasabihan akong “Ikaw ang pagbabagong gusto mong makita.”  Hindi ko naman siya laging naiisip ngunit kusang lumalabas sa aking gawain at kaanyuan ang temang ito.  Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit ito na ang naging programa ng aking katauhan.

Nakakapanibago.  Hindi lamang ang mga nasa paligid ko ang nakakaramdam ng pagbabagong ito kundi ako mismo.  Dati rati, ako ay naglalaba na sa washing machine ngunit ang ginagamit kong sabon ay yung madaling bilhin at kilala dahil sa commercial sa tv; ngayon hinahanap ko na ang organic detergent powder at fabric conditioner na gawa dito sa Pilipinas na sa aking tingin ay may kalidad.

Hindi lamang mga gamit sa bahay kundi pati rin gamit sa katawan tulad ng sabong panligo at gamit sa buhok.  Organic rin ang aking pinipili at kalidad na gawa sa Pilipinas unang-una o kaya sa ibang bansa sa Asya.  Pati mga kalidad na orihinal na damit, sapatos at bag na gawa dito sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya ang aking kinahihiligan ngayon.

Ganito na ang moda na aking nilalakad ngayon.  Hindi kaya ito ang balanse na tintahak ng pandaigdigang ekonomiya?  Napansin ko rin na palagi akong umiinom ng buko juice.

Namimiss ko na bumili ng kalidad na mga prutas sa market sa Singapore.  Wala silang ibinebenta doon na hindi pasado sa quality standard nila.  Ang palengke nila ay malinis.

Ang isa pa ay napakasarap mamili doon.  Hindi lamang sa malinis ang buong kapaligiran, mapa-palengke, kalsada o mall, ligtas pa sa mga magnanakaw.  Kahit na mataas ang presyo ng mga produkto ay sulit naman sa kalidad.  Kung kaya’t para sa akin ay di nakapagtatakang mayaman ang bansang ito at matatag ang pambansang pinansya nito.

Para sa akin, napakagandang magtrabaho sa lugar na iba-iba ang lahi ngunit may pagkakaisa.  Ito ang isa sa mga kaaya-ayang lugar upang lumago sa propesyonal na larangan.  Gusto ko rin mag-aral sa bansang ito sa Asya.

Higit sa lahat ay maraming masasarap na pagkain rito at marami itong mga hardin at parke na maaaring puntahan para makalanghap ng sariwang hangin, makapaglakad ng payapa, makapag-jogging o magrelax kasama ng mga kaibigang mahilig din sa kalikasan. 🙂

 

English

Where does inspiration start?  One moment, I suddenly thought of love.  There’s something that you love.  Be it a person, thing, place, event or anything you started to like.

I can say I have 3 things that give me inspiration these days: 1. going to Singapore, 2. buying fresh fruits and vegetables, and 3. buying quality organic products made from the Philippines which are for everyday use at home like shampoo, conditioner, bath soap and detergent powder.

At this hour, I was doing the laundry with the washing machine while writing this.  I still have the zest to write while washing clothes.  And I thought there’s no person who gives me inspiration these days.  I wonder why.

Maybe because I have a motto of “You are the change that you wish to see in the world.”  I haven’t thought of it always but it seems that it automatically shows in my ways and how I look.  I don’t know how it happened but this is now the program of how I am.

It feels different.  It is not just the people around me who feels this difference but I myself.  Before, I was already doing the laundry in the washing machine but I was using detergent powder and fabric conditioner, which are popular because of tv commercial; now, I look for organic detergent powder and fabric conditioner, which are quality-made in the Philippines.

Not only those products, which are for everyday use at home but also used for the body like bath soap and hair care products.  I choose quality organic products made from the Philippines first and foremost or from other Asian countries.  Also, I am getting fond of wearing quality original clothes, shoes and bags made from the Philippines and other Asian countries.

This is the fashion mode I walk now.  Isn’t it the balance being undertaken in the global economy?  I also observed I always drink buko (coco) juice.

I miss buying fruits in the market in Singapore.  There is no product that they sell which does not pass their quality standard.  Their market is really clean.

Another thing is that it is so enjoyable to shop there.  It is not just that their surroundings are clean, be it in the market, in the streets or in the mall, it is also safe from snatchers and thieves.  Even if their products are relatively expensive, it is optimal when it comes to quality.  That is why, for me, their country is a rich nation and Singapore is a financially stable country.

In my opinion, it is really good to work in a multicultural environment but there is unity.  This is one of the most conducive places for professional growth.  I also like to study in this Asian country.

And above all, there are so many tasty, delicious and healthy food here and it has many gardens and parks one can visit to breathe fresh air, walk peacefully, do jogging or relax with friends who also like nature. 🙂

Daily Prompt: Magbigay ka ng isang bagay na alam mong dapat mong gawin…ngunit di mo ginagawa

Nang magsimula akong mag-blog, ako’y punung-puno ng siya dahil naramdaman kong masaya ako sa pagsusulat, ang maipahayag ang aking kaisipan at nararamdaman sa mga bagay na aking nararanasan.  May mga panahong gusto kong ,magsalita, ipahayag ang aking pagtingin sa isang bagay ngunit hindi ko alam kung bakit minamabuti kong huwag na lamang magsalita.

Maraming pagkakataon na ganito ang nangyayari sa akin sa panahong laging baligtad ang aking tingin sa isang bagay na pinag-uusapan.  Kahit na sa aking kalooban ay “Iba ang nangangatwiran sa walang katuwiran”, hindi ko pa rin nakasanayang mangatuwiran.  Sa ilang pagtatangka na ginawa ko ito ay lagi akong napapagalitan o marami akong nagiging kaaway.  May ilang beses na ako’y nangatuwiran at ilan ang nakinig.  Natuwa na ako na sa ilang iyon ay may natutunan kami pareho.

Dahil sa ayaw ko ng may kaaway, lagi na lamang akong tumatahimik para wala na lamang gulo.  Lagi akong nagbibigay.  Maparatangan ako o kung anuman, pinalalampas ko na lamang ng hindi na kailangan pang umabot sa kompronta.  May mali rito, alam ko ngunit bakit nga ba pilit isinasantabi ng aking utak ang pangangatuwiran?

Napansin kong tamad na akong mag-isip ngayon di tulad ng dati nung hindi pa ako nagtatrabaho.  Ngayong may trabaho na ako, gusto ko na lamang humilata, manuod ng tv, kumain kung kailangan at matulog.  Kauumpisa ko pa lamang sa bago kong trabaho ngunit hindi ko na maibalik ang tuwid na pagkain ko ng kaunting baboy at kaunting mamantika o “less meat, less oily” na pagkain.  Ang hirap kumain ng gulay na bagong pitas o bagong hiwa lamang pati prutas na siyang paborito kong kainin.

Napansin kong para akong naging tanga o bobo nang ako’y nagsimulang magtrabaho.  Bakit nga ba ako nagtrabaho?  Ah, kailangan ko ng pera para ako’y makapunta sa Singapore at doon magtrabaho at manirahan.  Gusto ko doon magtrabaho dahil gusto ko ng malinis na kapaligiran, payapa at tahimik.  Orihinal ang mga tao at mga nakikita.

Hindi ko malilimutan ang lugar na iyon na kahit magtitinda lamang ng popiah na aking naging paborotiong pagkain doon, isang klase ng lumpiang gulay nila, nakita ko ang kanilang dignidad sa pagtatrabaho.

Ito ang aking inspirasyon.  At ito ang isang bagay na alam kong dapat kong gawin–ang magsulat.

Salamat Daily Prompt.  Napilitan akong harapin ang dapat kong gawin.

English

When I started blogging, I was filled with joy because I felt happy when I write, when I express my thoughts and feelings about my experiences.  There are times when I wanted to speak, express my view on something but I don’t know why I just resort to not talking instead.

There were so many times like this that happen to me and those were times when my view on a matter is totally the opposite.  Even if for me, “One who is reasoning is different from one who doesn’t straighten himself”, I still wasn’t able to practice reasoning to straighten myself in a way.  In a few times that I tried doing it, I was always reprimanded or I had a lot of enemies.  There are a few times that I reason and a few listened.  I was already happy with the few and we all learned from it.

Because I don’t want enemies, I just always keep quiet so that there’s no more fight.  Always, I give way.  Accused of something or whatever, I just let it go to the point where we don’t need any confrontation.  There is something amiss with this, I know, but why is it that my brain keeps on setting aside reasoning?

I observed that I’m getting languid with thinking these days unlike before when I wasn’t working yet.  Now that I have a job, I just wanted to lie down, watch tv, eat when needed and sleep.  I just started with my work but I’m already having a hard time putting back my healthy eating habits of “less meat, less oily” diet.  It’s hard to eat vegetables that are freshly picked or freshly sliced, even fruits, which are my favorite food to eat.

I also observed that it seems like I became stupid or unintelligent when I started working.  Why am I working?  Ah, I need  money so I can go to Singapore to work and live there.  I want to work there because I want a clean environment, peaceful and quiet.  People are authentic in their own way and the sights that can be seen.

I cannot forget that place that even a seller of popiah, which is my favorite food there, their kind of vegetable lumpia, I saw their dignity in their work.

This is my inspiration.  And this is one thing that I know I need to do—to write.

Thank you Daily Prompt.  I was forced to confront what I need to do.

Weekly Writing Challenge: Paano ako magpapaalam?

Ang larawan ay mula kay Cheri Lucas.

Filipino

Ito ang una kong naisip.

May dalawang bagay na maaari mong gawin kung ikaw ay lilisan: una, lumisan ng hindi mo hinarap ang iyong mga minamahal na iyong iiwanan; pangalawa, harapin ng buong tapang ang lungkot na iyong mararamdaman kung ikaw ay haharap sa iyong mga minahal bago mo sila iwan.

Para sa akin, parehong kailangan ng tapang rito.  Ang posibilidad sa maaaring mangyari kung ikaw ay magpaalam at hindi magpaalam ay walang hanggan.  Ngunit kung ano man ang iyong piliin, hahayo ka ng may lungkot at alam mong magpakailanman, dala-dala mo ang ligaya na nakapiling mo sila.

Sa buhay, hindi mo alam kung kalian ka hahayo kung minsan.  Alam mo man, hindi mo mawari kung ito ba ay tamang panahon.  Ngunit kapag nagdesisyon ka na humayo, ihanda mo ang iyong sarili sa isang emosyonal na sitwasyon.

Sa larawang ito hindi ko alam kung ang mga karakter ay nagpapaalam o sumalubong sa pagdating.  Sabihin nating nagpapaalamanan ang magkasintahan…

Ramdam ko ang pangungulila nila habang sila ay magkayakap.  Sa pagdating ng maliit na tren at pagbaba ng mga pasahero, kaunting oras na lamang ang nalalabi sa kanilang yakap.  Sa gitna ng hagdan na iyon, nagugunita kong halos nagmarka ang kanilang mga paa at inilagay sa loob ng ginuhit na puso ng isang anghel  sa kongkretong makinis na guhit-guhit na sahig na iyon.

Sa tingin ko ay lagi kong maaalala ang magkasintahan na ito sa bawat pagkakataon na aking mararaanan ang hagdanang iyon kung ako man ay sakaling nakatira doon.  At sa bawat tao na mapapadaan sa hakbang na kung saan magkayakap ang magkasintahan habang nagpapaalam sa isa’t isa ay pakiramdam kong mararamdaman rin nila ang pagmamahal  roon na minarka ng dalawa.  Isang enerhiya na kailanman ay hindi na maaalis pa roon.

Natatandaan kong hindi ako marunong magpaalam.  Lagi na lamang ako umaalis ng hindi ko binibigyang pansin ang paraan ng aking pagpapaalam.  Ang lagi ko lamang nasa isip ay umalis at maging masaya kung saan man ako pupunta.

Hindi ko binibigyang halaga kung ano man ang maramdaman ng mga taong iiwan ko.  Maaaring iniisip ko lamang ang aking sarili ngunit sa likod ng aking isip, gusto kong maunawaan ng mga tao sa aking paligid kung gaano ako kasaya kapag lumilisan at papunta sa panibagong lugar na hindi ko inda kung ano man ang naghihintay sa akin roon.  Basta’t alam ko lamang na puno ng ligaya ang aking katauhan kapag ako ay maglalakbay sa bagong lugar.

Hindi ko alam ang damdamin ng isang magulang o isang kaibigan o kapatid na pakiramdam na mawawalan sila ng isang kasama.  Pagkat para sa akin, hindi ko naman sila nililisan.  Pupunta lamang ako sa panibagong lugar at magiging masaya na mamumuhay roon.  Hindi ko naiisip na maaaring huli na naming pagkikita o matagal kaming di magkikita.  Sa totoo lamang, sa aking loob, “eh ano naman kung matagal tayong magkita?  Ang mahalaga, nilakbay natin ang gusto nating marating.  Alam kong magkikita pa ring muli tayo kung ito ang ipinagkaloob sa atin.”

Kung kaya’t kahit sino man ang umalis sa aking paligid patungo sa malayong lugar, tinatanggap ko.  Napakasaya na umalis ng dala-dala ang araw.  Ang isa kung saan wala kang inaalala, basta’t ang alam mo lamang gusto mong pumunta doon at may isa kang misyon na gagawin.

Napakaikli at napakahaba ng buhay.  Laging magkasama ang kontradiksyon sa buhay ngunit mamimili ka lamang ng isa sa bawat minuto at sandali na mabigyan ka ng pagkakataong mapag-isipan.  Napakaikli dahil hindi mo alam kung kalian ka mamamatay, basta’t alam mo lamang hanggang 100 taon lamang ang maaaring itagal ng tao ngayon kung ikaw ay palarin na umabot pa sa taong iyon.  Napakahaba naman kung gusto mo ng mamatay.

Sabi nga nila, maikli lamang ang buhay sa mga taong masaya; napakahaba nito sa taong di masaya.

Aaminin ko, minsan, ayaw kong nakakakita ng pagpapaalam.    Ayaw kong nakakakita ng emosyonal na sitwasyon.  Naiinis ako.  Hindi ko alam kung nakuha ko ito sa aking ama o talagang ganito lamang ako.

Natatandaan ko nung bata pa ako, hindi ako mahilig magpaalam sa bahay.  Tumatakas ako o basta na lamang umaalis lagi papunta sa barkada o kung saan mang gusto kong puntahan.  Di rin ako tatawag kung gagabihin ako o di makakauwi kung inabot na ako ng hating gabi.  Ang alam ko lamang ay uuwi din ako kaagad.  Ayaw ko kasi ng marami pang sinasabi.  Ayaw ko ng walang tiwala sa akin na kaya kong pangalagaan ang aking sarili, mag-ingat at uuwi ako.

Lagi ko ring nasa isip na ang mga magulang ko ay nandyan lamang.  Ang aking mga kaibigan at kapatid ay nandyan lamang.  Kung kaya’t nang namatay ang aking matalik na kaibigan, hindi ko malaman kung ano na ang reyalidad.  Nabuhay ako na lagi lamang silang nariyan.

Doon ko lamang nalaman na namamatay pala talaga ang tao.  Ngunit pakiramdam ko buhay pa rin siya ngunit wala nga lang dito.  Tuloy pa rin ang buhay dahil di ko pa panahon na pumunta sa ibang dimensyon.  Pinili ng aking espiritu na manatili pa dito sa mundong ito.

Naisip ko, may misyon pa ako.  Maaaring ang pagpapakamatay ng aking matalik na kaibigan ay may kinalaman sa misyong ito.

Hindi siya nagpaalam sa akin o sa amin na pamilya at kaibigan niya.  Naisip ko, ilang beses na siyang nagtatangkang magpaalam bago noon, di lang niya magawa.  Ang hirap magpaalam…

Humanga ako sa kanyang tapang.  Simula pa lamang noon, yung tapang niya ang aking nagustuhan kung bakit kami naging magkaibigan.  Mga babae kaming matapang, parang lalaki pero malakas ang likas na pagiging ina o mapagkalinga.

Ngayon, ang aking pasya ay kahit ano pa man ang mangyari, sisiguraduhin ko na mauunawaan ng mga taong nasa paligid ko ang aking mga desisyon sa paglisan dahil mahilig akong maglakbay.  Buong tapang kong haharapin ang lungkot at saya ng paglisan at pagpapaalam .  Salamat larawan.

***

English

How will I say goodbye?

This is the first thing I thought of.

There are two ways you can say goodbye: one, leave without meeting the ones you’ve grown to love; two, face with might the sadness you’ll feel when you meet the people you love before you leave them.

For me, both require courage.  The possibilities of what might happen when you do or don’t say goodbye are endless.  But whatever you choose, you will leave with sadness for sure and forever, you’re going to carry with you the happiness of having been with them.

In life, you don’t know when will you leave at times.  If you do, you don’t even know for sure if it’s the right time.  But if you do decide to leave, prepare yourself to an emotional situation.

In this photo, I don’t know if the characters are saying goodbye or saying hello.  But let’s just say, this couple is saying goodbye…

I feel the loneliness they feel while they are hugging each other.  As the train arrives and the passengers alight, only a few moments are now left for their embrace.  In the middle of those stairs, I imagine their feet almost engraved and put inside a drawing of a heart by an angel in those concrete smooth jagged floor.

I think I’ll always remember this couple whenever I pass by those stairs if I happen to live there.  And for every person who will also pass by in that step where the couple embraced dearly while they say goodbye, I feel like they will also feel the love left by the couple on that spot.  An energy that will remain there forever.

I remember I don’t know how to say goodbye.  I always leave without care with how I say goodbye.  The only thing on my mind is to leave and be happy to where I’m going.

I don’t value the feelings of the people I’ll leave behind.  You may think that I’m selfish but subconsciously, I would like for people to understand how happy I am whenever I leave and go to a new place without regard for what may happen to me there.  All I know is that my whole being is filled with happiness to travel to a new place.

I don’t know the feelings of a parent, a friend or brother or sister who may feel that they are losing someone to be with.  Because for me, I’m not leaving them.  I’m just going to a new place and be happy living there.  I never think that it might be the last time we’ll see each other or it’ll take long before we see each other.  In truth, in my heart, “so what if we’ll not see each other for a long time?  What is important is that we traveled to the place where we want to go.  I know that we’ll see each other again if it is entrusted to us.”

That is why whoever leaves around me to go to a far place, I accept.  It is a very happy feeling to leave carrying the Sun.  One where you don’t worry, knowing only that you want to go to that place and you’ll do your mission there.

Life is too short and too long.  Contradictions are always part of life, always having two sides of the coin; you will only choose one whenever you give yourself the chance to think about it.  It is too short because you don’t know when are you going to die, all you know is that one may only reach until about 100 years old if you are lucky to reach those years.  It is too long for those who wanted to die already.

They say, life is too short for people who are happy; it is too long for those who are not happy.

I will admit, sometimes, I don’t want to see goodbyes.  I don’t want to see emotional situations.  I get irritated.  I don’t know if I got that from my father or I’m just like that.

I remember when I was young, I’m not used to telling people in our house if I’m leaving to go to some place.  I sneak out or I just leave to go to a friend’s house or wherever I want to go.  I will not also call if I’ll be late or if I won’t be able to go home if it’s really late.  I just know I’m still going home soon.  I don’t like too much talk.  I don’t like it when people don’t trust me that I can take care of myself, protect myself and I’ll go home.

All I know is that my parents are just there.  My friends and my brother and sisters are just there.  That is why when my best friend died, I didn’t know what is reality anymore.  I lived my whole life having them around.

That was the only time I learned that people really die.  But I know that she’s still alive, just not here.  Life still goes on because it is not yet my time to go to another dimension.  My spirit chose to still stay in this world.

I just thought, I still have a mission.  It may be that the suicide of my best friend has something to do with this mission.

She didn’t say goodbye to me or to her family and friends.  I thought, there were many times she tried to say goodbye before that, she just can’t do it.  It’s hard to say goodbye…

I admired her courage.  From the beginning, it was her courage that I liked that is why we became friends.  We are women who are courageous like men but have a strong mother instinct or caring quality.

Now, my choice is that no matter what happens, I’ll make sure that the people around me will understand the decisions I’ll make when I leave because I like traveling.  I’ll boldly face the sadness and joy of leaving and saying goodbye.  Thank you photo.