Category Archives: Writing Challenge

“Ang Lolo mo wala na…”

Natanggap ko ang text message na ito ng aking ina habang ako ay nasa opisina na kasalukuyan noong nasa orientation sa isang conference room.  Ang mga ganitong “expression” ay madalas na ginagamit na biro dito sa Pilipinas.  Nakakatawa siya kung alam mong biro ito.  Pero iba pala kapag alam mong seryoso.

Nagulat ako ng mabasa ko ito.  Bigla ko itong nasabi sa aking mga katabi at ang reaksyon nila ay hindi ganun kaseryoso.  Nalungkot na ako kaagad.  Gusto kong itago pero di ko na mapigilan.  Dahil ongoing pa ang orientation ng huling speaker pinilit kong i-compose ang aking sarili.  Pagkatapos ng orientation ay napaluha na ako habang nagliligpit ng mga upuan sa board room.  Pinipigilan ko ngunit gusto ng lumabas ng aking luha.  Hanggang sa napansin na ng aking mga kasamahan na mapula na ang aking mga mata at umiiyak na ng tahimik.

Pinauwi na nila ako para makapunta na sa aking lolo.  Ang totoo hindi ko alam kung anong gagawin ko.  Kung pupunta na ba ako kaagad doon o kakain muna ako.  Ang tagal kong nag-isip bago ako nagdesisyon na pumaiba muna ng direksyon at maghanap ng kakainan upang makaupo at makapag-isip ng maayos.

Isa sa aking mga naisip, isa nanamang mahal ko sa buhay ang nawala.  Nung una ay aking matalik na kaibigan.  Ngayon naman ay ang aking lolo na malapit sa akin.  Sa mga huli naming pag-uusap nung siya ay nakakapagsalita pa ay ikinukuwento nya sa akin na ipinagdarasal daw niya na ako’y magkatrabaho na.

Hindi ko na sa kanya naikwento na ako’y may trabaho na, 2 lingo na ang nakalilipas.  Gusto kong ikuwento sa kanya na ako’y nag-eenjoy sa aking trabaho at kahit na nahihirapan ako sa umpisa pa lang ay kinakaya ko naman at pinagbubuti.  Gusto kong sabihin sa kanya na natupad na ang kanyang dasal.

Hindi ko ito naisip noon.  Ngayon lang na wala na siya.  Akala ko ay maaabutan ko pa siya pagtapos ng aking trabaho; balak kong dumalaw sa kanya.  Di na ako nakaabot.

Sa aking isip, ano kaya ang mensahe noon?  Matagal na di ako dumalaw sa aking lolo na parating nagdarasal para sa akin na makapagtrabaho na muli.  Siguro sabi niya, sapat na iyon na naging busy na ako at nagkaroon na ako ng trabaho.  At saka wala na siyang dapat alalahanin.

Natutuwa ako sa isang banda na nag “let go” na siya.  Siya ay 97 na taon ng nabubuhay at matanda na siya.  Hindi na siya nakakatayo at di na rin makakain.

Iba pa rin na mawala ang isang taong alam mong wagas ang pagmamahal sa iyo.  Na walang hinihiling na kapalit kundi makita ka lamang at mas maganda kung ikaw ay masaya.  Hanga ako sa kanyang tatag dahil kahit na lagi na lamang siyang nakahiga at alagain na at alam naming miss na miss na niya ang lola na nasa langit na ay pinilit pa rin niyang gumising at bumangon bawat araw upang may lolo pa kami na siyang dahilan upang kami ay magtipun-tipon na kanyang pamilya.  Masaya siya kapag nakikita niya ang buong mag-anak at mga magkakamag-anak na magkakasama para sa isang okasyon.  Sa aking lolo at lola ko nalaman ang ganitong kaugalian ng mga Pilipino.  Sa mga pagtitipong ito, dito nalalaman ng isa’t isa ang mga hinaing at kailangan ng bawat isa.  Sa ganitong paraan natutulungan at nabibigyang pansin ang mga pangangailangan ng isa’t isa, mapa-moral o pinansyal na suporta.  Ito ang pamilyang Pilipino.  Sa ganitong paraan nagkakaroon ng bayanihan.

Ang aming angkan ay purong tagalog mula sa lalawigan ng Mindoro Oriental.  Lumaki akong lagi kaming nagtitipun-tipon na magkakamag-anak at sa mga okasyon na ito ay nagbibigay ng talumpati ang aking lolo.  Nagbibigay ng mga salitang marangal para sa mga taong naroroon.

Paunti-unti ang ganitong senaryo ay hindi na naipapakita.  Marami ay hirap nang magsalita sa purong tagalog.  Hindi ko rin naman ninanais na magsalita ng purong tagalog palagi ngunit dahil sa ito ang kinalakihan ko, marunong akong magsalita ng mahusay nito.  Natutuwa ako sa pamanang ito ng aking lolo.  Hindi siya mayaman sa materyal na bagay ngunit mayaman siya sa mga bagay na naipapakita na siya ay namuhay ng marangal.

Salamat lolo.  Binigyan mo kami ng magandang pamana.  Ito ay yaman na nakaukit na kung baga sa ating lahi–sa lahing Filipino.

Advertisement

Weekly Writing Challenge: Paano ako magpapaalam?

Ang larawan ay mula kay Cheri Lucas.

Filipino

Ito ang una kong naisip.

May dalawang bagay na maaari mong gawin kung ikaw ay lilisan: una, lumisan ng hindi mo hinarap ang iyong mga minamahal na iyong iiwanan; pangalawa, harapin ng buong tapang ang lungkot na iyong mararamdaman kung ikaw ay haharap sa iyong mga minahal bago mo sila iwan.

Para sa akin, parehong kailangan ng tapang rito.  Ang posibilidad sa maaaring mangyari kung ikaw ay magpaalam at hindi magpaalam ay walang hanggan.  Ngunit kung ano man ang iyong piliin, hahayo ka ng may lungkot at alam mong magpakailanman, dala-dala mo ang ligaya na nakapiling mo sila.

Sa buhay, hindi mo alam kung kalian ka hahayo kung minsan.  Alam mo man, hindi mo mawari kung ito ba ay tamang panahon.  Ngunit kapag nagdesisyon ka na humayo, ihanda mo ang iyong sarili sa isang emosyonal na sitwasyon.

Sa larawang ito hindi ko alam kung ang mga karakter ay nagpapaalam o sumalubong sa pagdating.  Sabihin nating nagpapaalamanan ang magkasintahan…

Ramdam ko ang pangungulila nila habang sila ay magkayakap.  Sa pagdating ng maliit na tren at pagbaba ng mga pasahero, kaunting oras na lamang ang nalalabi sa kanilang yakap.  Sa gitna ng hagdan na iyon, nagugunita kong halos nagmarka ang kanilang mga paa at inilagay sa loob ng ginuhit na puso ng isang anghel  sa kongkretong makinis na guhit-guhit na sahig na iyon.

Sa tingin ko ay lagi kong maaalala ang magkasintahan na ito sa bawat pagkakataon na aking mararaanan ang hagdanang iyon kung ako man ay sakaling nakatira doon.  At sa bawat tao na mapapadaan sa hakbang na kung saan magkayakap ang magkasintahan habang nagpapaalam sa isa’t isa ay pakiramdam kong mararamdaman rin nila ang pagmamahal  roon na minarka ng dalawa.  Isang enerhiya na kailanman ay hindi na maaalis pa roon.

Natatandaan kong hindi ako marunong magpaalam.  Lagi na lamang ako umaalis ng hindi ko binibigyang pansin ang paraan ng aking pagpapaalam.  Ang lagi ko lamang nasa isip ay umalis at maging masaya kung saan man ako pupunta.

Hindi ko binibigyang halaga kung ano man ang maramdaman ng mga taong iiwan ko.  Maaaring iniisip ko lamang ang aking sarili ngunit sa likod ng aking isip, gusto kong maunawaan ng mga tao sa aking paligid kung gaano ako kasaya kapag lumilisan at papunta sa panibagong lugar na hindi ko inda kung ano man ang naghihintay sa akin roon.  Basta’t alam ko lamang na puno ng ligaya ang aking katauhan kapag ako ay maglalakbay sa bagong lugar.

Hindi ko alam ang damdamin ng isang magulang o isang kaibigan o kapatid na pakiramdam na mawawalan sila ng isang kasama.  Pagkat para sa akin, hindi ko naman sila nililisan.  Pupunta lamang ako sa panibagong lugar at magiging masaya na mamumuhay roon.  Hindi ko naiisip na maaaring huli na naming pagkikita o matagal kaming di magkikita.  Sa totoo lamang, sa aking loob, “eh ano naman kung matagal tayong magkita?  Ang mahalaga, nilakbay natin ang gusto nating marating.  Alam kong magkikita pa ring muli tayo kung ito ang ipinagkaloob sa atin.”

Kung kaya’t kahit sino man ang umalis sa aking paligid patungo sa malayong lugar, tinatanggap ko.  Napakasaya na umalis ng dala-dala ang araw.  Ang isa kung saan wala kang inaalala, basta’t ang alam mo lamang gusto mong pumunta doon at may isa kang misyon na gagawin.

Napakaikli at napakahaba ng buhay.  Laging magkasama ang kontradiksyon sa buhay ngunit mamimili ka lamang ng isa sa bawat minuto at sandali na mabigyan ka ng pagkakataong mapag-isipan.  Napakaikli dahil hindi mo alam kung kalian ka mamamatay, basta’t alam mo lamang hanggang 100 taon lamang ang maaaring itagal ng tao ngayon kung ikaw ay palarin na umabot pa sa taong iyon.  Napakahaba naman kung gusto mo ng mamatay.

Sabi nga nila, maikli lamang ang buhay sa mga taong masaya; napakahaba nito sa taong di masaya.

Aaminin ko, minsan, ayaw kong nakakakita ng pagpapaalam.    Ayaw kong nakakakita ng emosyonal na sitwasyon.  Naiinis ako.  Hindi ko alam kung nakuha ko ito sa aking ama o talagang ganito lamang ako.

Natatandaan ko nung bata pa ako, hindi ako mahilig magpaalam sa bahay.  Tumatakas ako o basta na lamang umaalis lagi papunta sa barkada o kung saan mang gusto kong puntahan.  Di rin ako tatawag kung gagabihin ako o di makakauwi kung inabot na ako ng hating gabi.  Ang alam ko lamang ay uuwi din ako kaagad.  Ayaw ko kasi ng marami pang sinasabi.  Ayaw ko ng walang tiwala sa akin na kaya kong pangalagaan ang aking sarili, mag-ingat at uuwi ako.

Lagi ko ring nasa isip na ang mga magulang ko ay nandyan lamang.  Ang aking mga kaibigan at kapatid ay nandyan lamang.  Kung kaya’t nang namatay ang aking matalik na kaibigan, hindi ko malaman kung ano na ang reyalidad.  Nabuhay ako na lagi lamang silang nariyan.

Doon ko lamang nalaman na namamatay pala talaga ang tao.  Ngunit pakiramdam ko buhay pa rin siya ngunit wala nga lang dito.  Tuloy pa rin ang buhay dahil di ko pa panahon na pumunta sa ibang dimensyon.  Pinili ng aking espiritu na manatili pa dito sa mundong ito.

Naisip ko, may misyon pa ako.  Maaaring ang pagpapakamatay ng aking matalik na kaibigan ay may kinalaman sa misyong ito.

Hindi siya nagpaalam sa akin o sa amin na pamilya at kaibigan niya.  Naisip ko, ilang beses na siyang nagtatangkang magpaalam bago noon, di lang niya magawa.  Ang hirap magpaalam…

Humanga ako sa kanyang tapang.  Simula pa lamang noon, yung tapang niya ang aking nagustuhan kung bakit kami naging magkaibigan.  Mga babae kaming matapang, parang lalaki pero malakas ang likas na pagiging ina o mapagkalinga.

Ngayon, ang aking pasya ay kahit ano pa man ang mangyari, sisiguraduhin ko na mauunawaan ng mga taong nasa paligid ko ang aking mga desisyon sa paglisan dahil mahilig akong maglakbay.  Buong tapang kong haharapin ang lungkot at saya ng paglisan at pagpapaalam .  Salamat larawan.

***

English

How will I say goodbye?

This is the first thing I thought of.

There are two ways you can say goodbye: one, leave without meeting the ones you’ve grown to love; two, face with might the sadness you’ll feel when you meet the people you love before you leave them.

For me, both require courage.  The possibilities of what might happen when you do or don’t say goodbye are endless.  But whatever you choose, you will leave with sadness for sure and forever, you’re going to carry with you the happiness of having been with them.

In life, you don’t know when will you leave at times.  If you do, you don’t even know for sure if it’s the right time.  But if you do decide to leave, prepare yourself to an emotional situation.

In this photo, I don’t know if the characters are saying goodbye or saying hello.  But let’s just say, this couple is saying goodbye…

I feel the loneliness they feel while they are hugging each other.  As the train arrives and the passengers alight, only a few moments are now left for their embrace.  In the middle of those stairs, I imagine their feet almost engraved and put inside a drawing of a heart by an angel in those concrete smooth jagged floor.

I think I’ll always remember this couple whenever I pass by those stairs if I happen to live there.  And for every person who will also pass by in that step where the couple embraced dearly while they say goodbye, I feel like they will also feel the love left by the couple on that spot.  An energy that will remain there forever.

I remember I don’t know how to say goodbye.  I always leave without care with how I say goodbye.  The only thing on my mind is to leave and be happy to where I’m going.

I don’t value the feelings of the people I’ll leave behind.  You may think that I’m selfish but subconsciously, I would like for people to understand how happy I am whenever I leave and go to a new place without regard for what may happen to me there.  All I know is that my whole being is filled with happiness to travel to a new place.

I don’t know the feelings of a parent, a friend or brother or sister who may feel that they are losing someone to be with.  Because for me, I’m not leaving them.  I’m just going to a new place and be happy living there.  I never think that it might be the last time we’ll see each other or it’ll take long before we see each other.  In truth, in my heart, “so what if we’ll not see each other for a long time?  What is important is that we traveled to the place where we want to go.  I know that we’ll see each other again if it is entrusted to us.”

That is why whoever leaves around me to go to a far place, I accept.  It is a very happy feeling to leave carrying the Sun.  One where you don’t worry, knowing only that you want to go to that place and you’ll do your mission there.

Life is too short and too long.  Contradictions are always part of life, always having two sides of the coin; you will only choose one whenever you give yourself the chance to think about it.  It is too short because you don’t know when are you going to die, all you know is that one may only reach until about 100 years old if you are lucky to reach those years.  It is too long for those who wanted to die already.

They say, life is too short for people who are happy; it is too long for those who are not happy.

I will admit, sometimes, I don’t want to see goodbyes.  I don’t want to see emotional situations.  I get irritated.  I don’t know if I got that from my father or I’m just like that.

I remember when I was young, I’m not used to telling people in our house if I’m leaving to go to some place.  I sneak out or I just leave to go to a friend’s house or wherever I want to go.  I will not also call if I’ll be late or if I won’t be able to go home if it’s really late.  I just know I’m still going home soon.  I don’t like too much talk.  I don’t like it when people don’t trust me that I can take care of myself, protect myself and I’ll go home.

All I know is that my parents are just there.  My friends and my brother and sisters are just there.  That is why when my best friend died, I didn’t know what is reality anymore.  I lived my whole life having them around.

That was the only time I learned that people really die.  But I know that she’s still alive, just not here.  Life still goes on because it is not yet my time to go to another dimension.  My spirit chose to still stay in this world.

I just thought, I still have a mission.  It may be that the suicide of my best friend has something to do with this mission.

She didn’t say goodbye to me or to her family and friends.  I thought, there were many times she tried to say goodbye before that, she just can’t do it.  It’s hard to say goodbye…

I admired her courage.  From the beginning, it was her courage that I liked that is why we became friends.  We are women who are courageous like men but have a strong mother instinct or caring quality.

Now, my choice is that no matter what happens, I’ll make sure that the people around me will understand the decisions I’ll make when I leave because I like traveling.  I’ll boldly face the sadness and joy of leaving and saying goodbye.  Thank you photo.