Ang Pinakamagandang Food Court

Filipino

Dahil mahilig akong kumain ng mga maliliit na serving ng pagkain, lagi akong kumakain sa mga food court.  Gustung-gusto ko bumibili sa mga food booth na partikular lamang ang tinitindang pagkain o inumin.  Tulad ng sa inumin, ang paborito ko ay calamansi at buko.  Hangga’t maaari ay mayroon nito sa aking kakainan at kung wala naman ay dalandan, four seasons o lemongrass.

Sa lahat ng food court sa mall na nakainan ko sa Pilipinas, ang food court sa Landmark Trinoma (sa hilagang bahagi ng EDSA, Quezon City) ang pinakamaganda, pinakamalinis at pinakamahusay ang serbisyo at sistema.

Ito ang lugar na kung saan ang pakiramdam ko ay para akong nasa Singapore. Halos pareho ang itsura ng istruktura.  Ang mga upuan ay tama ang mga espasyo sa isa’t isa.  Hindi lapit-lapit na pakiramdam mo ay napakasikip at kailangan mo lagi makipagsiksikan.  Sa aking pagpunta sa Singapore, natutunan ko kung gaano pahalagahan ng mamamayan nito ang espasyo para sa isang tao.  Laging may palugit upang di magkadikit ang taong magkakatabi. Ito ay para sa akin simbolo ng kanilang respeto sa lugar ng bawat isa.

Namangha ako sa ganitong pilosopiya ng mga Singaporean.  Na ang bawat isa ay nasa lugar at dapat may espesipikong lugar.  Ang upuan na para sa isang tao ay nararapat na para lamang sa isang tao.

Pagdating naman sa kalinisan, mas lalo naman ako namangha.  Naging kultura na nila ang mapanatiling malinis ang kapaligiran.  May mga basurahan sa kapaligiran na sistematikong nakalagay sa lahat ng pampublikong daraanan ng mga tao.

At kahit na naging bukas sila sa iba’t ibang dayuhan, hindi nila kinalimutan ang unahin ang kanilang pambansang kaugalian: ang panatilihing ligtas ang mga mamamayan mula sa sakit, dumi at krimen.

Kung kaya’t ang kanilang batas ay istriktong ipinatutupad sa lahat.  Bawal ang manigarilyo sa lugar na hindi pinahihintulutang manigarilyo.  Bawal ang dumura sa kalye na para sa akin ay nararapat lamang naman na magbigay galang sa mga pampublikong lugar kung saan ang lahat ay makikinabang sa linis, ganda at kaayusan ng paligid.

Isang taon na ang nakalipas nang ako ay nakapunta roon.  Kahit na hindi ako nakakuha ng trabaho doon ay na-appreciate ko ang kanilang hospitalidad sa mga dayuhang tulad ko.  Naramdaman kong ako’y ligtas din tulad ng mga mamamayan nila roon at mga permamnenteng naninirahan na roon.

Natuwa ako na doon ko lamang naranasan sa unang pagkakataon na makapag-shorts na pakiramdam mo ay ligtas ka.  Dahil natural lang doon ang naka-shorts at di ka tititigan.  Mayroon silang “manners.”  Di ko alam kung manners yun ngunit hindi sila yung tipong parang noon lamang nakakita ng legs.  Wala silang pakialam.

Yun ang isa sa mga nagpasaya sa akin doon.  Maliban doon ay napakasarap mag-commute.  Napakaalwan.  Gustung-gusto ko sumasakay sa kanilang bus at tren-ang kanilang MRT at LRT.  Nainggit ako sa sistema ng kanilang lipunan.  Napakaayos.  Gusto ko ang pamamalakad ng kanilang pamahalaan sa pagpapatupad ng kanilang mga polisiya at batas.  Kung tutuusin, sila ay hindi konserbatibo o sobrang istrikto.  Para sa akin, ito ay balanse.

Pagkat ang kanilang lupain ay di tulad ng sa Pilipinas na agrikultural kung saan makapagtatanim ka ng palayan at iba pang mga pagkaing pananim, nakagawa pa rin sila ng mainam na paraan upang maipamalas ang kanilang paggalang sa kalikasan at di sila magutom kahit na wala silang taniman.

Naipamalas nila iyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga hardin at parke sa bawat malalaking munisipalidad ng kanilang bansa.  kahit na ang kanilang mga pagkain ay puro imported mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, nagagawa pa rin nilang maging katamtaman ang presyo ng mga pagkain upang maging risonable sa mga mamamayan nito.

Ang isa pang ikinatutuwa ko roon  ng ay ang makitang ang mga bata ay nagco-commute ng sila lamang sakay ng pampublikong bus.  Sa wari ko’y mga siyam na taong gulang pataas.  Kung sa atin ay nasa antas pa lamang ng elementarya pataas gang high school at kolehiyo.  Yung tipong para lamang nasa school bus ang lahat ng pasahero.  Ganun ang kanilang sistema ng transportasyon.  Tatlo lamang naman ang kanilang pampublikong sasakyang panglupa–bus, taxi, at sa pamamagitan ng tren (rail) na  MRT (Mass Rapid Transit) at LRT (Light Rail Transit).

Sa kanilang pampublikong transportasyon, wala akong masasabi.  Hanep sa ayos.

Sa bus at sa LRT, mayroon silang prepaid card na ginagamit at ang tawag nila rito ay EZ-Link.  Ito ay parang ATM card na itinatapat sa EZ-Link card reader machine sa mga bus at tren pagsakay at pagbaba upang maibawas sa load nito at malaman kung magkano pa ang natitirang load sa card.  Mayroon ding parang ATM Machine sa mga istasyon ng tren na kung saan doon ka magloload ng halaga sa iyong EZ-Link para ipambayad sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyang ito.

Kung wala namang EZ-Link ang sasakay, maaari rin namang cash ang gamitin.  Sa bus, walang kundoktor.  Ang tagapagmaneho (driver) ng bus ay tagapagmaneho lamang.  Wala siyang ibang gagawin kundi magmaneho lamang sa mga nakaatas na lugar ng sakayan at babaan ayon sa ruta ng kanyang byahe.  Ang bawat bus ay may numerong nakaatas bilang tanda kung anong ruta ang dadaanan ng byahe nito.

At ang mga pasahero ay alam ang limitasyon kung hindi na sila dapat sumakay dahil puno na.  Sila ang tipong di nakikipagsiksikan, kailangan ay laging may natitirang espasyo na kagagalawan ng bawat isa at di magdidikit ang mga katawan.  Ganito sila kadisiplinado pagdating sa kinalalagyan ng bawat isa.  Tulad na lamang sa kanilang MRT at LRT, ang mga upuan dito ay pang-isa isang tao.  Hindi maaaring umupo at sumiksik sa gitna nito kahit pa kasya kahit man lang ang isang bata.  Ang isang upuan ay para lamang sa isang tao.  At nakatutuwa na kasama sa kultura nila na awtomatikong tumatayo ang mga nakaupo sa upuan madalas sa may sign na pangmatanda o pang-buntis at pang-may kasamang bata kapag may nakita silang nakatayo na doon nararapat umupo.

Dahil sa foodcourt na ito, bumabalik ang magagandang alaala ng aking karanasan sa paglalakbay sa Singapore.  Dito ko lamang naramdaman ang tunay na pakiramdam na ikaw ay ligtas.  Yung kahit iwanan mo ang iyong bag sa mesa ng kainan o sa upuan ay walang kukuha nito.  Minsan nagagawa ko yun dito sa Pilipinas ngunit laging babalik ang aking isip sa pag-aalala na baka nga ito mawala.  Sa ilang beses ko namang nagawa ito, hindi naman nawala ang aking gamit.  Siguro’y sa aking pananabik na magkaroon ng ganoong lipunan dito sa Pilipinas.

Trinoma Landmark Food Court

*Ito ay para sa aking Lolo na yumao na.  Malalim siyang magsalita sa wikang Tagalog pagkat siya ay taga-Mindoro Oriental.  Siya ay laging nagtatalumpati noon sa mga pagtitipon ng aming pamilya at angkan.

 

English

Because I like eating small servings of food, I always eat in food courts.  I really like buying from food stalls that has only a particular food or drinks they sell.  Just like in drinks, my favorite is calamansi and buko.  As much as possible, these are available in the place I’ll dine in and if those two are not available, hopefully, there’s dalandan, four seasons or lemongrass.

Of all the food courts in malls that I’ve been to here in the Philippines, the food court at Landmark Trinoma (in North part of EDSA, Quezon City) is the most beautiful, most neat and has the best service and system for public dining in a shopping mall.

This is one place where it feels like I’m in Singapore.  It almost looks the same in structure.  The chairs have enough space from each other.  It’s not too close to each other that you feel like it is too crowded or you still need to squeeze yourself in.  When I went to Singapore, I learned how its citizens value the space of each individual.  There’s always somewhat a borderline so that their bodies will not be in contact.  For me, this is a sign of their respect for the space of each person.

I was amazed at this kind of philosophy of Singaporeans.  That each has its own space and must have a specific place.  The chair for one person is due for one alone.

On the other hand, when it comes to cleanliness, I was more surprised.  It has become their culture to keep their surroundings clean.  There are trash bins around that are systematically placed in all public places where people pass by.

And even if they are open to foreigners, they didn’t forget to prioritize their nation’s practice: to keep its citizens safe from sickness, dirt and crime.

That is why their laws are strictly implemented to all.  No smoking in non-designated smoking areas.  No spitting on the streets that, in my opinion, it is just right to give respect for public places where all would benefit in its cleanliness, beauty and orderliness.

One year has passed when I went there.  Despite not being able to get a job, I appreciated their hospitality to foreigners like me.  I’ve felt I’m also safe like its citizens and those who are already permanent residents there.

I’m glad because it is there that I first experienced to wear shorts that I felt “safe” since it is natural there that people wear shorts and they won’t stare.  They have “manners.”  I don’t know if it is manners but they are not the type who as if it’s the first time they’ve seen “legs.”  They don’t care.

That is one of the things that made me happy there.  Aside from that, it is so pleasant to commute.  Very convenient.  I especially like riding in their bus and trains—their MRT and LRT.  I am jealous of the system of their society.  Very orderly.  I like how their government runs and implements their policies and laws.  In fact, they are neither conservative nor too strict.  For me, it is balanced.

Because their land is not like in the Philippines wherein it is agricultural—meaning it can be planted with rice and other food crops, they were still able to find efficient ways to show their respect for nature and to have food security even if they don’t have any farm lands.

They have demonstrated these ways by creating community gardens and parks in every major local area in the country.  Even though their food are almost all imported from many different countries in the world, they can still manage to make their food prices reasonable for the citizens.

Another thing that made me happy there is to see the kids commuting on their own riding the public buses.  It seems like they are about 9 years old and up.  If it is in the Philippines, they are in the higher elementary level up to high school and college.  It seems like all passengers are just riding in a school bus.  This is their transportation system.  They only have three public land transportation vehicles—bus, taxi and through rail, which are the MRT (Mass Rapid Transit) and LRT (Light Rail Transit).

In their public transportation, I can say no more.  It is very orderly.

In the bus and rail transits, they have a prepaid card that they use, which they call EZ-Link.  It’s like ATM card that you put over the EZ-Link card reader machine when you ride the bus and trains to debit the fare from your card and to see how much load is left.  There are also ticketing machine in train stations where you can load for your EZ-Link to pay for the rides in the public transport vehicles.

In case a passenger has no EZ-Link, cash can also be used.  In the bus, there is no ticketing crew.  The bus driver is just a driver.  He will do nothing but only drive to designated areas where people can ride or alight according to the bus’s route.  Each bus has a number assigned to it as a sign of the route it will take in its journey.

And the passengers know the limitation if they cannot ride anymore because the bus is already full.  They are the type who do not hustle or push themselves inside just to be a part of the ride even if they are in a rush.  For them, there must always be a space where one can move around and their bodies will not be in contact.  This is how disciplined they are when it comes to the space of each one.  Just like in the trains, the seats there are designed as one seat for one person.  One cannot sit in between even if there is still space for even just a child.  One seat is strictly for one person only.  And it is so pleasing to see that part of their culture is to stand up automatically, which I witnessed many times, to offer the seat intended for the elderly, pregnant, and those with children when one happens to sit there and saw someone who needed to sit down.

Because of this food court, my happy memories of my journey to Singapore flashed back.  This is the only place where I truly felt that I am safe.  The experience that even if you leave your bag unattended on a table in hawkers or chair, nobody will take it.  Sometimes I even get to do that here in the Philippines but it will always come back to my mind that it might get lost.  For a number of times I did this, thankfully, I didn’t lose my things.  Maybe because of my longing to have that kind of society here in the Philippines.

*This is for my grandfather who already passed away.  He is very fluent in Tagalog language for he was from Mindoro Oriental.  He always give a speech whenever we have a family gathering.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s