Bakit gusto ko ng organic?

189

Bakit nga ba gusto ko ng organic?

Kailan nga ba ako nagsimulang matutong gumamit ng mga organic na produkto?

Saan ako natutong kumain ng organic na pagkain?

Dati hindi ako mahilig kumain ng prutas.

Mahilig ako kumain ng junk food, halos araw-araw ako naninigarilyo at linggo-linggo ay umiinom ng beer, paminsan-minsan cocktails o wine.  Ito ang aking lifestyle noon.

Ngayon ko lang napag-alaman kung gaano ako ka-loser sa aking pamumuhay.  Nagiging winner lang ako dahil sa kabila ng di pag-kain ng tama ay sexy at maganda pa rin ako. Naks! 😉

Bakit naman ako naging maganda pa rin dati?

Ang hindi nawawala sa akin ay ang aking bangis.  Kasupladahan.  Katigasan ng ulo.  Paninindigan.

Palagi kong gustong tumulong lalo na sa mga mahihirap kahit wala akong pera at wala akong balak na magkamal nito.  At ang mga mahihirap na gusto kong tulungan ay mga nasa liblib na lugar.

Ilang beses akong nagtangkang tumulong habang nagtatrabaho ngunit lagi kong pinipili ang pag-ibig kaysa sa pera.  Ilang beses akong nagvolunteer work ng walang bayad, naging book fair coordinator sa Calabarzon Area sa mga eskwelahan ngunit laging umaandar sa akin ang awa kaya’t nasabihan akong “hindi charity ang business natin.”

Napakahina ko sa profit-making.  Tinangka ko ang emotional marketing ngunit bagsak pa rin ako.  Everytime naman akong bumabagsak ay tumatayo pa rin ako.  Hindi ko nga alam kung bakit paulit-ulit ang ganitong tema sa aking buhay kung kaya’t ngayon eh tataasan ko na ang aking emotional marketing intelligence at ng magkamal naman ako ng pera.

Ang isang di maganda sa akin ay masyado kong “honest.”

Lagi akong napapahamak ng karakter na ito.  Paano ko ba maaalis yun.  Ang hirap tanggalin.

Ganito maging organic.  “Honest.”  Lagi kang totoo.

Kung ikaw ay Strengthening Shampoo, magpapatibay ka talaga ng buhok.

Kung ikaw ay Carrot Soap, magpapaganda ka ng balat.

Kung tutuusin, ideya lamang ang organic.  Kahit na anong produkto ang gamitin mo makakapagpaganda yan sa iyo kung naniniwala kang mapapaganda ka nga nito.  Ang kaibahan niyan, ang organic, lagi kang mapapaalalahanan na maging totoo.

At ang totoong kagandahan ay natural.

Human Heart Nature
All Organics

Natutunan ko ito sa kalikasan nang ako ay nagturo sa El Nido, Palawan.  Ang maging maganda ay matutunan na maging totoo sa sarili.  Ang maunawaan na ikaw ay parte ng mundo, bahagi ng kabuuan ng lahat, at hindi ka mabubuhay ng maganda at may maayos na pamumuhay kung hindi ka nakakasunod sa batas ng kalikasan.

Ang ating katawan ay nanggaling sa kalikasan at doon din tayo babalik.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s